MARAMING netizens ang na-touch sa naging Father’s Day message ni Dra. Vicki Belo para sa tatay ng kanyang anak na si Hayden Kho. Kung merong mga nam-bash sa doktora sa ipinost niyang mensahe sa Instagram para kay Hayden mas marami pa rin ang kinilig at pumuri sa “you and me against the world” love story nila.
Si Hayden ang tatay ng bunsong anak ni Vicki na si Scarlet Snow, na nabuo sa pamamagitan ng in-vitro fertilization. Balitang Amerikana ang kinuha nina Hayden at Vicki para magsilang sa bata. Kahapon, nag-post nga ng Father’s Day message si Vicki kalakip ang isang short video nina Hayden at Baby Scarlet. Todo ang papuri ng cosmetic surgeon sa kanyang partner bilang tatay.
“Thank you @dochaydenfor being such an amazing father. I prayed that you would be a great father but you have surpassed all that I asked for or imagined. I don’t think I’ve e-ver met a dad that’s as hands on, caring, responsible and loving. Thank you from me and @scarletsnowbelo,” ani Vicki.
Samantala, may balitang pinag-uusapan na rin daw ng dalawa ang pagpapakasal para na rin sa kanilang anak. Ayon sa chika, inaayos na raw nina Hayden at Vicki ang ilang dokumento para maging legal couple na sila sa mata ng publiko at sa mata ng Diyos.