Dennis hands-on daddy: Hanggang ngayon sabay kaming naliligo ng anak ko!

dennis trillo at calix

NAG-ADVANCED Father’s Day celebration pala ang lead star ng GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story na si Dennis Trillo at anak na si Calix.

Sa Dumaguete City nag-bonding ang magtatay with the other members of Dennis’ family. Taga-Dumaguete ang tatay ng aktor. “Actually, every year naming ginagawa ‘to, pumupunta sa Dumaguete, kasi happy siya kapag nakakauwi siya ng probinsiya. Siyempre, nandoon ang mga kaibigan niya.

“Every year namin ginagawa ‘to. Ngayon, ganun ulit, kasama namin ang buong pamilya,” chika ni Dennis sa isang panayam. Hands-on father si Dennis sa anak, “Oo at spoiler ako na tatay pero hands-on din ako. Every time na magkasama kami, kahit na malaki na siya, sabay pa rin kaming naliligo.

“Siyempre yung mga bata, medyo tamad maligo. Kailangan samahan mo pa or kailangan pilitin mo pa, so hanggang ngayon naliligo kami ng magkasabay,” hirit pa niya.

Read more...