Juancho Trivino patutunayan sa bashers ang kakayahan bilang aktor

juancho trivino

ISANG buwan na ang itinatakbo ng afternoon series ng GMA na Magkaibang Mundo, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos na masabi ni Juancho Trivino sa kanya ang show.

Dahil ito ang unang teleserye na kanyang pinagbibidahan, hindi pa rin siya makapaniwalang parte siya ng isang kwentong sinusu-baybayan ng mga manonood. Ayon sa mga kasama niya sa set, kahit na may pagkamakulit ay puspusan naman ang kanyang paghahanda sa bawat eksena na ginagawa niya.

Siya mismo ang nanghihingi ng feedback mula sa mga batikang aktor ng show kung ano pa ang pwede niyang pagbutihan. Mas hinahangaan siya ngayon dahil pinagsisikapan niya na mapaganda ang show at mapatunayan sa sarili na isa siyang magaling na aktor.

Sa kanyang Facebook account ipinost niya ang litrato ng billboard niya at sinabing, “Got loads of work ahead of me, to prove to myself, not to other people, that I deserve to be in this billboard. Strive, dream, and pray more to get another one. Thank you, Lord, for this. Hep hep HAPPY!”

Read more...