Tuloy na kaya ang bonggang concert ni Adelle sa Manila?

adele

TULOY na kaya ang pagpunta ng Grammy award winner na si Adelle sa Pilipinas? Ito ang nagkakaisang tanong ng mga Pinoy fans ng international singer.

Kumalat kasi sa internet ang isang video kung saan mapapanood na nagsasalita si Adelle tungkol sa posibleng concert niya sa Manila. Ang nasabing video ay kuha ng isang Michele Keppens at in-upload sa Facebook ng Philippine Concerts.

Kuha raw ang video sa concert ng British singer sa Antwerp, Belgium. Nang sabihin nga raw ni Adelle ang planong pagbisita sa Pilipinas ay nagsigawan daw ang mga Pinoy na nasa audience. Pagkatapos magkuwento tungkol sa kanyang mga experience sa nakaraan niyang concert bigla raw itong nag-dialogue ng, “Would anyone come to my show if I went to Manila?”

Habang isinusulat namin ang balitang ito nakakuha na ng mahigit 2,000 shares at daan-daang komento mula sa netizens na atat na atat nang mapanood sa Manila si Adelle na halos lahat ng kanta ay sikat na sikat sa bansa na alam na alam kantahin kahit ng mga bata.

At sure na sure kami na magiging big hit ang Manila concert ni Adelle at malamang kahit three nights ang show niya ay mapupuno lahat ng venue sa dami ng fans niya sa bansa.

Read more...