Regine inimbita sa bahay ang mga anak-anakan sa Poor Señorita

regine velasquez at kids ng poor senorita

HINDI na maitatangging na-attach na ang Asia’s Songbird na Regine Velasquez sa mga anak-anakan niya sa GMA Telebabad series na Poor Señorita.

Ayon kay Regine, looking forward siya lagi sa mga eksena niya kasama sina
Ayra Mariano, Caprice Cayetano, Jillian Ward, Miggs Cuaderno at Zymic Jaranilla sa Poor Señorita. Tuwang-tuwa kasi siya sa mga bagets dahil bukod sa magagaling ng mga artista ay ang sweet-sweet pa raw ng mga ito.

Sa Instagram account ng Kapuso actress, madalas makita na nakikipag-bonding siya sa mga bata kahit wala silang taping. Sa katunayan, kamakailan ay magkakasamang nag-bonding ang cast ng Poor Señorita sa bahay ni Regine dahil wala silang taping.

Naging isang malaking pamilya na sila at itinuturing na niyang sariling anak ang mga Kapuso youngstars. Sa isang panayam ay sinabi rin ni Ayra kung gaano siya nagpapasalamat dahil napakabait at supportive sa kanya ang Songbird.

Dahil dito, mas mada-ling mahalin ng mga manonood ang show dahil kung paano sila off-cam ay naipapakita rin nila on-cam. Kaya pala napakanatural ng kanilang mga eksena sa serye ay dahil totoong-totoo ang pagmamahal at pagke-care nila sa isa’t isa.

 

Read more...