Denise Laurel tinubuan ng cyst sa iba’t ibang parte ng katawan: Pero wala akong cancer!

 

MARAMING hindi nakakaalam sa pinagdaanan ni Denise Laurel nitong mga nakaraang linggo.

Nagkaroon pala ng problema sa kanyang kalusugan ang singer-actress, sa kanyang Instagram account, ibinalita ni Denise na pagkatapos ng serye ng medical test na pinagdaanan niya ay maaari na siyang matulog nang mahimbing.

Ang good news- cancer-free na raw siya. Ibinalita ito ni Denise sa pamamagitan ng ginawa niyang video, “I know some of you have been wondering what i’ve been up to. “I’ve been on a break, getting healthy and today is a beautiful day because I just found out I do not have cancer.

“I did not worry for a second though, because I know God has my back,” aniya pa. Inamin din niya na tinubuan siya ng mga cyst sa ilang bahagi ng kanyang katawan – meron sa dibdib, lymp nodes at ovaries.

Pero aniya, “But life is beautiful. Take care of yourself, stay healthy, don’t forget to have yourself checked. You’re never too young to get sick. “So get yourself checked for yourself and for your loved ones. Be in the know of what’s going on with your body. Take care of yourself, enjoy life,” mahabang pahayag ng singer-actress.

Dugtong pang mensahe ni Denise sa kanyang social media followers, “I give you the most important part of my message, God loves you, He got your back, you don’t even have to worry.” Marami namang nakisimpatya kay Denise after niyang ibalita ang estado ng kanyang kalusugan. May mga followers siya na nangakong ipagdarasal ang tuluyan na niyang paggaling.

Ayon naman sa ilang netizens nakaka-relate sila sa sakit ni Denise, lalo na ang pagkakaroon ng mga cyst sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Pero sey nila patuloy lang daw magdasal dahil napakalaki raw talaga ng nagagawa ng prayers.

Read more...