Nanawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Kongreso na gawin ng krimen ang pagpasada ng kolorum na pampublikong sasakyan.
Umaasa si LTFRB board member Ariel Inton na maipapasa ng Kongreso ang panukala upang mabigyan din ng proteksyon ang mga lehitimong driver ng public utility vehicles.
“It is time to push the legislative works to make colorum activity a criminal offense. It’s a form of economic sabotage because it unfairly competes with legitimate franchise holders,” ani Inton.
Pinasinungalingan din ni Inton na mahina ang kampanya ng LTFRB laban sa mga kolorum subalit inamin na limitado lamang ang magagawa ng ahensya.
Ayon kay Inton sa ilalim ng Joint Administrative Order tanging ang LTFRB at Land Transportation Office lamang ang maaaring makapagpatupad ng anti-colorum drive at hindi maaari ang mga pulis.
“Even more, under the JAO, kailangan joint effort ang LTO at LTFRB, and both have to be present to be able to apprehend. LTFRB has no organic team for enforcement. Without the LTO, LTFRB has no power, so says the JAO.”
Sa ilalim ng JAO magmumulta ng P1 milyon ang mahuhuling kolorum na bus at maaari ring makansela ang prangkisa nito.
Sinabi ni Inton na isinisisi sa moratorium na ipinatutupad ng LTFRB sa paglalabas ng prangkisa kaya naglipana ang mga kolorum.
Paliwanag ni Inton kung lahat ng maga-apply ay bibigyan ng prangkisa tiyak na madaragdagan ng malaki ang bilang ng mga sasakyang namamasada.
MOST READ
LATEST STORIES