Miriam mas maayos na matapos dapuan ng pneumonia

miriam

KONTROLADO na ang pneumonia ni Sen. Miriam Defensor Santiago, ayon sa kanyang staff.

Nauna nang naospital si Santiago matapos ang komplikasyon dulot ng kanyang lung cancer.

Siya ay nagdiwang ng kanyang ika-71 kaarawan noong Hunyo 15.

“She is feeling better. Thank you,” sabi ng kanyang staff na ipinost sa kanyang Twitter at Facebook.

Noong isang buwan, itinakbo si Santiago sa ospital dahil sa pneumonia, bagamat inilabas mula sa ospital matapos ang dalawang linggo.

Nanatili rin siya sa intensive care unit ng dalawang araw.

Nakatakdang magtapos ang termino ni Santiago bilang senador sa Hunyo 30.

Tumakbo siya bagamat natalo sa nakaraang eleksiyon sa pagka pangulo.

Read more...