Grand Lotto jackpot lalapit sa P150M

lotto for site
Lalapit sa P150 million mark ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 mamayang gabi (Lunes).
     Ito ay matapos na hindi tamaan ang P140.2 milyong jackpot prize ng Grand Lotto sa bola nito noong Sabado, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
     Inaasahang aabot sa P146 milyon ang jackpot prize sa Lunes ng gabi.
     Walang tumaya sa winning number combination na 52-42-48-13-37-9.
     Nanalo naman ng tig-P200,000 ang tatlong mananaya na nakakuha ng limang numero.
     Tig-P2,210 naman ang napanalunan ng 502 mananaya na nakaapat na numero at balik  ang P20 taya ng 2,162 mananaya na nakatatlong numero.
     Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.

Read more...