Bianca, Fabio pinag-uusapan na ang kasal

bianca manalo at fabio ide

VERY soon ay magpapakasal na rin ba ang magdyowang Bianca Manalo at Fabio Ide?

Ayon sa Kapamilya actress at former beauty queen, umaasa siya na si Fabio na ang lalaking makakasama niya habambuhay. Kitang-kita ang sobrang pagka-in love ng dalawa sa isa’t isa base na rin sa mga photos na ipinopost nila sa Instagram.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Bianca, sinabi nitong naka-focus ngayon sila ni Fabio sa kani-kanilang trabaho. Masuwerte nga raw siya dahil tuluy-tuloy ang trabaho niya sa Kapamilya network, hindi raw siya nababakante.

“Ako kasi work is work. Nagco-concentrate ako sa trabaho. Kapag may project na binigay si Lord, tututukan ko talaga. Kasi hindi naman lahat ng tao nabibigyan ng chance na may work,” chika ng actress-beauty queen.

Dagdag pa ni Bianca, na napapanood ngayon sa fantaseryeng Super D ng ABS-CBN kung saan gumaganap siyang love interest ni Dominic Ochoa, seryoso na sila ni Fabio sa kanilang relasyon, pero wala pang kasalang magaganap ngayong taon, “We talk about it. Well malalaman niyo na lang.”

Ayon kay Bianca, maligayang-maligaya siya sa piling ni Fabio, “Hindi ko alam pero ang ganda, ganda ko talaga sa kanya!” “Siguro kasi sa lahat ng heartaches ko at mga pinagdaanan ko before, siya na ‘yung good karma na binigay sa akin ni Lord.

“Oo, naiisip ko ‘yun palagi. Sabi ko, ‘Lord, lagi akong umiiyak before. Siguro ito na ‘yun, ‘yung tama na hindi ka na iiyak,’” aniya pa. Okey lang ba sa kanya na magkaroon muna sila ng baby ni Fabio bago ang wedding? “Kasal muna. Dalagang Pilipina ako eh.”

Wala rin daw isyu sa aktres kung may anak na si Fabio sa pagkabinata, aniya, maayos ang relasyon niya sa baby ng Brazilian-Japanese actor-model na si Danielle.

Read more...