Boy George malungkot na nag-celebrate ng b-day sa Pinas

boy george

ENJOY na enjoy ang Pinoy fans ng international music icon na si Boy George sa ginanap na one night only concert nito at ng British ‘80s band na Culture Club sa Araneta Coliseum, presented by Royal Chimes Concerts & Events.

Tulad ng ipinangako ni Boy George, halos lahat ng classic hit songs niya at ng grupo (Roy Hay, Mikey Craig at Jon Moss) ay napakinggan ng manonood sa ilang oras nilang performance sa Big Dome.

Pero bago nga ang kanilang kauna-unahang concert sa bansa, nahingan si Boy George (George Alan O’Dowd in real life) ng komento tungkol sa Orlando massacre sa Amerika kung saan maraming miyembro ng LGBT community ang nasawi sa madugong shooting incident.

Sey ng award-winning singer, na nagdiwang ng kanyang 55th birthday kamakailan, ito na raw ang pinakamalungkot na kaarawan niya dahil sa naganap na pamamaril sa isang gay nighclub sa Florida.

“It was quite difficult to celebrate my birthday. It’s an attack on everybody. I think my sentiments would be the same as anyone else. I was very sad about it.  “Right now, especially in America, it’s making a lot of people aware of the LGBT community. I cannot even put into words how I felt. Unfortunately, it happened during my tour and I can’t stop to think about all the families and those who were devastated.

“It’s unbelievable, I feel very sad and I don’t know how people are going to go through it but I know they will,” litanya pa ng gay singer tungkol sa pagpatay sa ilang miyembro ng LGBT.

Read more...