MAHIRAP talaga makipagsabayan sa ugali ng isang hindi na kabataan pero maganda pa ring aktres. Kung tutuusin ay siya ang pinakananay ng mga kabataang artistang simangutera. Siya si Mommy Simang.
‘Yun na ang kanyang tatak, ang pagsima-simangot na may kasamang pagpapa-cute, habang umiikot-ikot ang kanyang mga mata. At kahit hindi na siya bagets ay maraming kabataang lalaki pa rin ang nagkakagusto sa kanya, kinakabog niya sa pilian ang mga youngstars, malakas pa rin ang kanyang appeal hanggang ngayon.
Kaya nga lang ay mahirap ispilengin ang kanyang ugali dahil tantrumera siya. Walang nakakahuli sa ugali ng magandang aktres, wala kasing pinipiling panahon ang kanyang sumpong, sanayan na lang ‘yun. Kuwento ng isang source, “May mga oras na tawa lang siya nang tawa, pero meron namang panahon na basta tahimik lang siya, nakasimangot, parang nakakaamoy ng kung anong mabantot.
“Sa tagal na ng panahong nakakasama namin siya, e, sanayan na lang ang labanan. Kapag nasa mood siya at bumabati, fine! Kapag naman parang pasan niya ang mundo sa pagsimangot, fine din! “Ano ba ang pakialam namin sa kanya? Ano, magpapaka-trying hard kaming patawanin siya? Ano ito, lokohan? Hindi na, uy!” simulang reaksiyon ng isang nakakatrabaho ng magandang aktres.
Kaya siguro magkaroon man siya ng karelasyon ay hindi sila nagtatagal, nadidiskubre kasi ng lalaki ang mga kalokahan niya, mahirap talagang pakibagayan ang ugali ng magandang aktres. Panghuling sultada ng source, “Naku, Bradly Guevarra, imbitahan mo nga sa wonderland ang babaeng ‘yan! Itapon mo siya du’n!”