Katrina ipinagdarasal ang magiging dyowa: Siyempre baka mapunta ako sa maling lalaki!

yasmien kurdi at katrina halili

LAHAT ng sampal at pananakit ni Katrina Halili kay Yasmien Kurdi sa bagong afternoon serye ng GMA 7 na Sa Piling Ni Nanay ay totoo at walang daya.

Ayon kay Kat, mismong si Yasmien daw ang nagsabi sa kanya na totohanin ang mga eksena nila, “Pagka-take namin pak! So, masakit talaga. Kasi ako, gusto ko fake lang kasi natatakot ako baka magkaroon ng pasa.

“E, sabi ni Yas, itodo na namin. Ang sabi ni direk, ‘Kat isa pa!’ Eh, dalawa ‘yun so apat. Nakaapat yata siya sa akin. Saka baka mamaya magalit si direk pag paulit-ulit, di ba po?” chika ni Katrina. Mas feel daw kasi ni Yasmien ang totohanan sampalan. Baka naman may galit talaga siya kay Yasmien kaya tinotoo niya ang sampalan? “Wala po akong galit sa kanya. Nagkasama na kami before.”

Sabi ng isang reporter, dati pang may issue sa kanila ni Yasmien noong, Starstruck pa lang daw? “Hala may isyu! Ano po nagkasama na kami before, 2005 pa po. Wala pong isyu. Kontrabida po ako dito, eh. So, kailangan in character ka talaga!” In fairness, mas lalong sumeksi ngayon si Katrina kaya sabi namin kering-keri pa rin niyang maging cover ng men’s magazine kahit na mommy na siya.

“Talagang nagpapayat pa ako. Ang hirap po kasi magbihis kapag medyo malaki ka, so kailangan magpapayat talaga. From Destiny Rose Ipinayat ko nu’n five kilos na, 58.8 ako noong last taping namin eh ngayon 54 na ako,” sey pa ng Kapuso kontrabida.

Inamin din ni Kat na nagmature na siya sa maraming bagay simula nang maging nanay siya, “Opo lahat naman po kami (sa Starstruck) nag-mature na, 12 years na ang nakaraan so lahat naman kami nag-mature, di ba? Like siyempre may dedication na kami sa work namin. Hindi na parang walang pupuntahan. Dati parang ayoko mag-work pero ngayon gusto ko talaga dahil alam mo yun mas tine-treasure mo na yung trabaho mo. Mas seryoso na po kaming lahat ngayon.

“Dahil siyempre may anak na rin, maturity din. Marami din naman kaming pinagdaanan lalo na ako, siyempre marami na rin kaming natutunan sa buhay. Tsaka ngayon, mas ang nagiging topic namin mga baby. Nag-iisip na kami ni Yas, like magba-bonding kami magho-hotel kami para mag swimming yung mga bata, tapos papasyal namin sila.

“Puro bata na ang pinag-uusapan namin, kahit si Mark (Herras), baby niya rin yung pinag-uusapan. Sabi nga namin unlike before, ang tanungan lang saan mo binili yung damit mo, yung bagong gadget mo? Ngayon baby na,” kuwento pa ni Kat.

Wala pa rin daw siyang bagong dyowa ngayon, “Oo, wala nga eh. Hindi naman po kasi ako naghahanap. Wala eh, anong gagawin ko? Hindi naman sa choice ko ito. Pero hindi naman ako atat na atat na magkadyowa pero hindi na kagaya ng dati, kasi baka mapunta lang ako sa maling tao, so ayoko na ring magmadali.”

“Sabi nila mag-pray ka lang. So pray lang ako nang pray. Baka hindi pa time, di ba? Tsaka, ayoko ring makipag-date, eh. Gusto ko group date hindi ako sanay. Wala rin namang nanliligaw din,” chika pa ng aktres. Natanong din kay Katrina kung hindi ba posibleng magkabalikan sila ng tatay ng anak niyang si Kris Lawrence? “Wala po. Close na yan. Sarado ang tipan.”

Hindi mo ba nami-miss ang may-boyfriend? “Hindi na nga ako kagaya ng before na nalulungkot. Siyempre masaya na ko sa buhay ko, sa trabaho ko, kay Katie (daughter niya). Kay God.” Mas close na rin daw siya ngayon kay Lord, “Oo, dati talaga hindi. Marunong na ako matakot sa Diyos. May kinakatakutan na ko.”

Read more...