Alden bugbog-sarado sa ilang fans ni Maine, pati yumaong nanay idinamay na

alden richards at maine mendoza

SINO kaya ang nagpapalakas ng loob ng ilang miyembro ng AlDub Nation para bulabugin at saktan nang walang patumangga si Alden Richards? Sa tindi ng mga pamba-bash ngayon ng mga ito sa Pambansang Bae ay mas kapani-paniwala na hindi mga AlDub fans ang mga gumagawa nu’n kundi ang mga solidong tagahanga ni Maine Mendoza.

One plus one lang naman ‘yan. Kung mga miyembro sila ng AlDub Nation, tulad ng kanilang pagpapakilala, dapat ay pareho nilang gusto sina Alden at Maine. Wala silang ilalaglag dahil ang loveteam mismo ang kanilang sinusuportahan. Galit na galit ang tropa dahil malambing lang daw si Alden kay Maine kapag nasa harapan sila ng mga camera. Kapag nasa backstage na sila ay wala namang pakialam ang binata sa kanilang idolo.

Ano kaya ang gusto ng mga taong ito? Ang maglambingan nang maglambingan sina Alden at Maine kahit wala namang dahilan? Nakakahiya para kay Maine ang kanilang ginagawa. Ipinagduduldulan nila ang babae na para bang wala nang magkakagustong iba kay Maine. Parang gusto nilang ipagpilitan kay Alden ang kanilang idolo kaya ganu’n.

Nakakaawa naman ang mga taong ito na pati ang ina ni Alden na walang kalaban-laban sa kanilang mga ibinibintang ay idinadamay pa nila sa isyu. Kulang na kulang sa respeto sa kanilang kapwa ang mga taong ganu’n.

Panindigan naman sana sila ng balahibo sa pambubulabog sa ina ni Alden Richards na matagal nang nakahimlay.

Read more...