Yasmien super sexy pero ayaw mag-pose sa men’s mag: Respeto lang sa asawa ko!

KATRINA HALILI AT YASMIEN KURDI

KATRINA HALILI AT YASMIEN KURDI

ANG seksi-seksi ngayon ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi nang humarap sa press para sa launching ng bago niyang teleserye sa GMS 7, ang afternoon drama na Sa Piling Ni Nanay.

Hindi talaga siya nagpatalbog sa kasekihan ng kanyang kaibigang si Katrina Halili na gaganap na kontrabida niya sa nasabing soap na magsisimula na sa darating na June 27 sa Afternoon Prime ng GMA. Magiging love interest nila rito si Mark Herras.

Kaya naman natanong si Yasmien kung payag ba siyang maging cover ng men’s magazine at ibandera ang kanyang pagiging hot mama tulad ng ka-batch niya sa Starstruck na si Jennylyn Mercado.

Sagot ng aktres, “I think, hindi po. Parang hindi na po siya magiging helpful sa akin, sa career ko, sa tingin ko. Yung thought lang po na men’s magazine, hindi…Maxim, Playboy, FHM. Parang hindi na tugma dahil pamilyado na ako. May asawa na ako, respect to your husband.

“Maging collector’s item ka ng mga guys, parang ang hirap din iano.’ Kung wala akong husband, parang puwede!” natatawang chika ng Kapuso leading lady.

Ayon kay Yasmien, medyo conservative rin daw ang kanyang asawang si Rey Soldevilla kaya mukhang imposible ngang mag-pose siya nang nakahubad sa men’s mag, “Okey lang… nandiyan naman ang Instagram!”

In fact, sa ilang photos na nakita namin sa IG ni Yas na kuha sa recent vacation nila sa Boracay ay naka-two-piece bikini siya kung saan kasama pa niya ang cute na cute na anak niyang si Ayesha Zara.

Kahit na nagbalik-showbiz si Yasmien, priority pa rin niya ang kanyang pamilya, kailangang balansihin niya ang kanyang panahon para hindi mapabayaan ang asawa’t anak, “Kailangan po, kailangan po talaga.

Kapag kunwari M-W-F ang taping, Tuesday, Thursday and Saturdays, ayoko nang mag-work.

“Like kanina, pack-up ako ng seven in the morning, uuwi ako. Minsan two hours lang ang tulog ko, magluluto ka pa. Bigay mo na rin yung for your body na mag-recharge din,” aniya pa.

At bilang Father’s Day na sa Linggo, ano ang plano niya para sa kanyang mister na aniya’y isa nang certified pilot ng Cebu Pacific (for local and international flights), “Maghahanda po ako sa house, mag-iihaw, magsu-swimming. Bisita po namin ang ate niya and her husband na isang seaman.”

Read more...