Rufa Mae inupakan sa social media dahil sa isusuot na wedding ring

RUFA MAE QUINTO

RUFA MAE QUINTO

BATIKOS na kaliwa’t kanan ang inabot ni Rufa Mae Quinto when she asked for help sa netizens kung anong wedding ring ang dapat niyang suutin.

“What choice for a bride to be: help me friends. 1234 @trevvvsilog,” caption niya sa Instagram photos niya ng iba’t ibang wedding rings.

Lait to death ang inabot ni Rufa Mae sa comments ng netizens.

“D nman importante Kung gaano kamahal at kaganda wedding ring mo, ANG hanapin mo is yung wagas at tunay na pagmamahal, pinaka maganda nga at pinaka mahal ANG mabili mo Kung bibilang Ka Lang ng araw, buwan o taon maghihiwalay din kayo.. Wala din sense Yan.. Gudluck!”

“Arte namn magpakasal k khit anung wedding ring yan ok lng. Kahit silver pa yn o tanso importante tumgal kyo.”

“Pati ba naman yan, isasapubliko? Juicecolored, kulang ka na lang sa pansin. Tama, kahit pa plastic ang gawin nying wedding ring basta hanggang sa last breath kayo pa rin, un ang pinaka importante. Susme.”

“It doesn’t matter what kind of ring you wear. Make sure that your relationship will last forever and it matters. Material lng yn, hndi dyn nasusukat ang pag sasama ng kinakasal.”

“Gravee xaaa oh!!! Ka artehan napo ata yan… kung namomoblema ka d hwag na kau mag wedding ring!!”

Read more...