BILIB si Oyo Sotto sa ginagawang pag-aalaga ni Pauleen Luna sa kanyang amang si Vic Sotto kaya mas lumaki pa ang respeto niya sa TV host-actress.
Ayon kay Oyo, mula nang mag-asawa uli si Bossing ay marami ring nangyaring pagbabago sa kanyang tatay, “Yun na nga kasi, ngayon na lang nag-asawa si Daddy after the longest time talaga.
Pahayag ni Oyo sa presscon ng GMA sitcom na Hay Bahay na magsisimula na sa Linggo, “Never naman nag-asawa ulit si Daddy. He’s been single for almost buong buhay namin, e. So, ngayon lang namin nakitang mayroon siyang asawa. Siguro ang malaking pagbabago is I see that he’s very happy, he’s very content.”
“Wala na siyang hihilingin pa para sa kanya. Kumbaga, nandiyan kami para sa kanya, yung mga apo niya, lalung-lalo na si Pauleen.
“I see that she’s taking care of dad and yung effort, nakakatuwa. Siyempre, kami minsan, nakakalimutan namin na kumustahin sina Daddy at Pauleen, dahil maraming ginagawa sa bahay, busy sa mga bata.
“So, si Pauleen talaga, there’s really an effort of texting us na, ‘Uy, dinner tayo.’ So, parang may time na halos every week yata kami nagdi-dinner sa labas. Kapag walang dinner, parang hinahanap na namin,” papuri pa ng mister ni Kristine Hermosa kay Poleng.
Dasal ni Oyo, tumagal pa nang matagal na matagal ang pagsasama ng mag-asawa, “Nakakatuwa, kasi sa amin, hindi rin naman kami humihiling nang sobra-sobra kay Daddy.
“Kumbaga, we don’t expect too much from him and also to Pauleen. But yung simple gestures na magkuwentuhan, magtawanan, malaking bagay. Para sa akin kasi, the greatest memories are built on the table talaga.
“Doon mo talaga mabubuo ang memories, kapag magkakasama kayo, ang dami ninyong mapagkukuwentuhan. Nakakatuwa. Talagang ang laki ng pagbabago, pero lahat positive,” sey pa ni Oyo Boy.