Horoscope, June 17, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Mas gaganda ang kapalaran kung lagi kang nakangiti. Haluan ng saya ang pakikipagtransaksyon upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, imbes na ang kasuyo ang laging palabiro, ikaw naman ang kumiliti sa kanya. Mapalad ang 4, 9, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Om” Red at orange ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Ingatan ang kalusugan, may babala ng karamdaman. Upang magpatuloy ang kasiglahan, panatiliin ang puso na laging in-love. Katugma mo ang isang Leo. Sa pinansyal, tandaang malaki ang matitipid kung hindi ka magkakasakit. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 31 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Beige at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Panahon na upang maging body conscious. Dagdag na ehersisyo ang dapat. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa paglalakad tuwing umaga habang sweet kayong nagkukuwentuhan. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shati-Pad-Me-Om.” Pink at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansyal, bago maglabas ng salapi, isipin munang mabuti. Sa pag-ibig, hayaan mong ang kasuyo ang magpasya, may sopresang kaligayahang mararanasan. Mapalad ang 5, 9, 25, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebalam.” Blue at violet ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Wag nang makisawsaw nang makisawsaw sa lipunan. Mas mainam pang mag-concentrate na lang sa pamilya kesa sa social gatherings. Sa pag-ibig, mas magiging maligaya kung pahahalagahan pang lalo ang private life. Mapalad ang 4, 8, 28, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yasoda-Dosya-Om.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Sa pag-ibig, seryosohin ang minamahal upang habangbuhay kang lumigaya. Sa pinansyal, para yumaman, buwan-buwan mag-ipon kahit na P1,000 lang. Kapag may savings, sa araw ng bukas ay doble ang balik. Mapalad ang 1, 7, 11, 20, 29, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Orange at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Upang lalo ka pang suwertehin, sasakyan ang sikapin mong maipundar. Kapag nagkasasakyan ka na piliin, ang plate number na 555. Habang ang mapalad na kulay ay puti o kaya’y silver. Kapag nagawa mo ‘yan, lalo kang susuwertehin at yayaman. “Aum-Jagat-Guro-Om” ang mahiwaga mong mantra.
Libra – (September 23-October 23)—Maging maingat lalo na sa pagpapautang. May babala na marami na naman ang hindi magsisipagbayad. Sa susunod, huwag na silang papautangin upang hindi sumama ang loob mo at ng hindi ka masisi ng iyong kasuyo. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Venit-Om.” Pink at magenta ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Tiwala sa sarili ang susi upang umunlad. Sa pag-ibig, sapat na ang iyong ganda upang manatiling tapat ang kasuyo, wag nang maglagay ng kung ano-ano pang koloreta, lalo ka lang pumapangit. Mapalad ang 6, 15, 27, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Violet at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Aanhin ang limpak-limpak na salapi kung kamumuhian ka naman ng iyong mga kamag-anak. Umpisahan nang maging mapagbigay. Sa pag-ibig bagay kayo ng isang Aries. Mapalad ang 3, 9, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at gred ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Ang mga Capricorn ay madaling nakakagawa ng pera, pero hindi iyon ang mahalaga sa halip ang mas mahalaga ay ang yumaman. Katuwang ang mga mahal sa buhay simulan na ngayon ang pagpapayaman. Mapalad ang 1, 13, 19, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Savitra-Om.” Green at golden yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwasan ang madalas na page-FB. Walang maitutulong sa iyo na maganda ang sobrang pagco-computer at pagce-cell phone. Sa pag-ibig, magsuot ng kulay na dilaw, upang ma-higop mo ang suwerte at maligayang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 14, 23, 32, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Om-Rebus.” Bukod sa red ang lilac ay buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Simulan ang pagbabagong buhay kahit gustong-gusto mo ng mangutang pigilin ang sarili. Hindi nakapagbibigay ng pag-unlad ang pangungutang. Panahon na upang sanayin ang pamilya sa mga mumurahin pero masustansyang pagkain. Tandaan ang pormula: “Tipid-tipid muna upang umunlad ang buhay at guminhawa!” Mapalad ang 2, 7, 20, 27, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dominum.” Green at silver ang buenas.

Read more...