Panelo out bilang spokesman ni Duterte; may bagong posisyon

DAVAO CITY— Out na ang abogadong si  Salvador Panelo bilang spokesman ni President-elect Rodrigo Duterte, at pormal siyang pinalitan ng dating pastor na si Ernesto “Ernie” Abella.

Sinibak man sa pwesto bilang spokesman, binigyan naman ni Duterte si Panelo ng bagong pwesto — ang chief presidential legal counsel.

Kinumpirma ni Panelo nitong Huwebes na hindi na nga siya ang spokesman ng president in waiting at may bago na nga siyang pwesto.

“I have just been named chief presidential legal counsel. Actually that has been my position all along and my being presidential spokesman was temporary as he announced and explained to the Cabinet tonight,” ayon kay Panelo.

Una nang itinalaga ni Duterte si Panelo bilang kanyang spokesman, ngunit kinalaunan ay sinabi na temporary lang ito.

Nilinaw naman ni Panelo na magbibigay pa rin siya ng pahayag para kay Duterte para sa ibang mabibigat at importanteng isyu.

Si Abella ay unang humarap sa media ngayong linggo.

Read more...