Maine inatake ng ‘sepanx’ dahil sa JoWaPao

maine at jowapao

WALANG appearance sina Wally Bayola at Jose Manalo sa susunod na movie nina Alden Richards at Maine Mendoza na may working title na “Imagine You & Me” directed by Mike Tuviera.

Ani Wally, talagang hindi na raw sila isinama sa AlDub movie para hindi ito magmukhang extension lang ng kalyeserye sa Eat Bulaga kung saan napapanood silang magkakasama araw-araw. “Oo, hindi talaga kami kasama kasi yung magiging istorya iba. Yung nangyari kasi parang sa Lenten specials namin, yun, Eat Bulaga talaga ‘yun. So ngayon gumawa talaga ng pelikula yung dalawa as AlDub lang.

“So hindi siya magmumukhang parang Bulaga na kasama pa rin yung Dabarkads. So sila muna yan kasi marami pa namang mga chance na magkakaroon kami ng movie na kasama sina Alden at Maine,” kuwento pa ni Wally nang makorner namin sa presscon ng bagong GMA sitcom na Hay Bahay! na magsisimula sa June 19.

Dagdag ni Wally kahit nga raw silang mga Dabarkads ay clueless sa magiging takbo ng kuwento ng pelikula ng AlDub kaya excited na silang mapanood ito. “Inaabangan din namin yun kasi nga titingnan natin kung ano yung mga pinaghirapan nila lalo na yung mga eksena nila sa Italy. Excited kami na mapanood sila sa big screen na sila lang talaga ang mga bida,” kwento pa ni Wally.

Sinabi rin ni Wally na inatake nga raw ng “sepanx” o separation anxiety si Maine dahil hindi na nga ito sanay na hindi sila kasama ni Jose, pati na rin ni Paolo Ballesteros na suspended pa rin sa noontime show ng GMA.

“Kasi lagi si Maine…nasanay siya na kasama namin. Ngayon hindi na. Tapos nagkukuwento siya na sana raw kasama kami kasi hindi siya sanay. Sabi ko hindi, hindi trabaho mo yan, pelikula mo yan. So excited kami para sa kanilang dalawa,” chila pa ng TV host-comedian.

Read more...