DEAR Ma’am,
Magandang araw po sa inyo. Ako po si Carmen A. De Casino ng Buayang Bato, Mandaluyong City. Guardian ni Josefina A. Amarillo, pensioner, 84 years old. Isa po siyang bed ridden at micro settle ng SSS.
Humihingi po ako ng tulong o sana ay maaksyunan po ninyo ang mahigit isang taong walang pensyon ang mother ko. Naayos ko na po lahat ng requirements ng isang micro settle category. Linggo-linggo po akong nagpa-followup sa SSS Mandaluyong, malapit sa JRU University.
Subalit wala silang malinaw na kasagutan. Malakas pa po ang mother ko, pero may osteoarthritis sa tuhod at paa, kaya di po siya makalakad. Malakas pa po ang pensioner kaya’t di po nila dapat pinapaasa sa walang kasagutan. Humihingi po ako ng agarang aksyon sa inyo.
Dahil may mga maintenance medicine siya, kailangan na niya ng kanyang pension. Lubog na po kami sa utang, napakabagal at nakapatagal na po ng isang taon.
Sana’y maunawaan po ninyo ang aming kalagayan. Lagi po nilang sinasabing nasa processing center na po ito sa Makati ngunit napakatagal na pong processing ito. Marami pong salamat.
REPLY: Ito ay tungkol sa e-mail ni Bb. Carmen de Castro ukol sa survivor’s pension ng kanyang ina na si Josefina Amarillo.
Kami po ay humihingi ng paumanhin sa pagkakaantala ng pensyon ng inyong ina bunga ng pagkakamali sa pagtatala ng pagsisimula ng kanyang pensyon.
Ngunit, malugod na-ming ibinabalita sa inyo, Bb. De Castro, na inilabas na po ang tseke para sa survivor’s pension ng inyong ina noong Hunyo 1, 2016. Ang nasabing tseke ay ipinadala na sa inyong tahanan sa pamamagitan ng koreo.
Nawa’y nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan.
Salamat po.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
Media Monitoring
and Feedback
Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya