Geisler vs Matos Fight tuloy na tuloy na

baron geisler
TULOY na tuloy na nga ang naudlot na rambulan nina Baron Geisler at Kiko Matos na magaganap sa Valkyrie at the Palace sa June 25 pero nag level up na ito mula sa isang away sa bar to a mix martial arts cage match
Sa isang press conference nagkapirmahan na ng kontrata ang dalawa sa pamumuno ng Universal Reality Combat Championship. Ito ay bilang pagbibigay na rin ng tuldok ang away nila.
Ito ang unang pagkikita ng dalawa matapos ang away nila.
Matatandaang nagkasuntukan ang dalawa sa isang bar. Ayon sa isang witness, nagkagulo lang ng sinubukan pagsabihan ni Baron si Kiko matapos nitong sigaw sigawan ang isang waiter at doon na naganap ang insidente. Hinamon naman sila ng URCC na tapusin ang laban sa pamamagitan ng isang cage match kung saan pumayag ang dalawa.
Pinost naman ng MMA Philippines sa kanilang Facebook page ang naturang ‘face-off’ na may caption na: “Mahal kita, pero ‘di tayo bati!” Baron Geisler and Kiko Matos press con, contract signing, and face-off. Sh*t got real. #URCCFightNight #MMAPhil
Ang cage match na ito ay isang special exhibition match para sa URCC FightNight na magaganap din sa araw na yon.

Read more...