NAGSANIB-pwersa ang long-time friends at Radyo Inquirer radio host na sina Arlyn dela Cruz at Theresa Cancio sa unang indie film na ipinrodyus nila, ang “Pusit.” Bida sa movie sina Jay Manalo, Ronnie Quizon at marami pang iba.
Supposed to be isang historical film ang first movie na gusto nilang iprodyus. Pero kailangan pa ng mahabang research ang histrotical film na gusto nilang gawin. Kaya inuna na lang muna nila ang “Pusit.”
Hindi lang producer si Arlyn sa “Pusit” siya rin ang direktor nito. This is her fourth indie movie na idinirek. Kamakailan ay nanalo rin si direk Arlyn sa isang international filmfest for her last movie, “Maratabat”.
Ang “Pusit” ay isang advocacy film ayon kay direk Arlyn. Pero mabilis niyang sinabi na hindi ito documentary film, “Film talaga siya. Advocacy in the sense na gusto naming tulungan ang gobyerno at ibang NGOs at iba’t ibang organisasyon na sabihin sa tao na nandito pa rin ‘yung problema ng AIDS at HIV. And these are the things that can be done.
“Eto ‘yung ginagawa ng society, ganito ang nagiging reaction ng pamilya. Eto ang leksyon ng indibidwal na merong AIDS, may HIV at ito ‘yung pwedeng gawin, at paano mo mapaglalabanan at malampasan,” paliwanag niya.
Through research, ipapakita raw nila sa movie na pabata nang pabata ang mga HIV victims. “Ang retake namin dito is the least na akala mo na magkakaroon ng AIDS, may AIDS. Not the usual victims. So, ‘yun ang ipakikita namin, na it could be your kakilala, kaibigan, kapatid, ama, anak. It’s a family story. It’s about, how you go about your choices in life, and that includes choices mo sa pakikipagtalik,” diin niya.
Malapit nang ipalabas ang “Pusit” kaya panawagan ni direk Arlyn na tangkilin ng moviegoers ang kanilang advocacy film.