Karla, Jolina, Melai nakuha ang kiliti ng masa

melai karla at jolina

WALANG duda na ang Magandang Buhay ang pinag-uusapan at kinagigiliwang morning show sa TV ngayon. Barely two months sa ere, marami nang celebrity guests ang napanood sa MB. Bukod sa nagti-trend, bawat episode ay nagtatala rin ng mataas na rating.

Ilan sa pinag-usapang episode ng Magandang Buhay ay ang guesting ni KC Concepcion kasama ang mga kapatid na sina Miel, Frankie and Miguel. Nakita sa nasabing episode ang other side ni KC bilang ate na iniidolo ng kanyang mga kapatid.

Dito rin unang napanood sina Billy Crawford at Coleen Garcia na nagkwento ng kanilang love story at kung ano ang mga susunod nilang plano sa buhaya. Dito rin nagsimula ang kinakikiligang loveteam na KarJo nina Karla Estrada and Coleens dad Jose na nauwi pa sa isang movie date.

Mataas din ang naitalang rating ng episode nina Sen. Sonny Angara at bagong Senador Joel Villanueva kasama ang kani-kanilang pamilya. Dito naman sa nasabing episode nabuo ang KarWin loveteam nina Karla at Win Gatchalian.

First time rin na nakita ng tao ang gwapong binatang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan na si Donny. Marami ang nagsabi na isang potential star ang binata. Nag-top trending topic pa sa Twitter ang nasabing episode.

Kapansin-pansin naman ang kakaibang sigla ng mga momshies/hosts na sina Karla, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal. Kitang-kita ang magandang chemistry ng tatlo sa show lalo na kapag nagkakabiruan na. “Nakakatuwa lang yung feedback na nakukuha namin, na after their guesting, nagpapasalamat sila dahil yung other side nila ay nakita ng tao,” sabi ni Jolina.

Second monthsary na next week ng Magandang Buhay at isang pasabog at exciting na line up of guests and topics ang nakahanda sa mga viewers ng number one morning show ngayon. No doubt na nakuha ng Magandang Buhay ang kiliti ng morning viewers.

Read more...