KANTIYAW at pang-aasar ang binabato ng Golden State fans kay LeBron James sa tuwing hawak nito ang bola kahpon sa Game 5 ng NBA Finals na ginanap sa homecourt ng Warriors.
Pero sinagot ito ni James ng layup, dunk at 3-pointers para pamunuan ang Cleveland Cavaliers sa 112-97 panalo kahapon.
Nagtapos si James na may 41 puntos, 16 rebounds at pitong assists na tinapatan naman ng ka-tandem niyang si Kyrie Irving na umiskor ng playoffs career-high 41 puntos.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umiskor ng 40 puntos ang magkakampi sa isang NBA Finals game. “We had a mindset that we wanted to come here and just extend our period and have another opportunity to fight for another day,” sabi ni James. “That was our main concern, and we were able to do that.”
Lamang pa rin ang Warriors sa kanilang best-of-seven series, 3-2, at ang Game 6 ay gaganapin bukas sa Cleveland.
“Now, mind you, to repeat a performance like this would definitely be tough, but whatever it takes to win,” dagdag pa ni Irving.
Ito ang ikaaapat na pagkakataon lamang sa season na ito na natalo ang Warriors sa kanilang homecourt.
Malaking kawalan para sa Golden State ang pagkakasuspindi ni Draymond Green sa Game 5. Sanhi ito ng flagrant foul na ipinataw sa kanya noong Game 4. Magbabalik sa paglalaro si Green sa Game 6 pero hindi pa matiyak kung makapaglalaro ang starting center ng Warriors na si Andrew Bogut na nagtamo ng left knee injury sa third quarter kahapon.
Gayunman, umaaasa pa rin si Warriors coach Steve Kerr na matatapos na ang serye sa Biernes kahit wala si Bogut. “I kind of like our position,” sabi ni Kerr. “… I like our position a lot better than theirs.” Tabla sa 61-all ang score sa halftime break pero pagpasok sa third period ay nagmintis ang Warriors ng 14 beses sa kanilang unang 20 tira habang nanalasa sa opensa sina James at Irving.
Nanguna para sa Golden State si Klay Thompson na may 37 puntos habang nag-ambag naman ng 25 puntos si Stephen Curry.
had 25 for the Warrior