Inaasahang aabot sa P135 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola mamayang gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ito ay matapos na hindi tamaan ang P130 milyong jackpot prize sa bola noong Lunes ng gabi kung saan lumabas ang mga numero 29-15-20-44-47-11.
Nanalo naman ng tig-P76,180 ang napanalunan ng 15 mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas.
Tig-P1,340 naman ang 681 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 14,877 mananaya na nakatatlong numero.
Samantala, kinuha na ng 68-anyos na retirado ang kanyang napanalunang P32.9 milyong jackpot prize sa bola ng Lotto 6/42 noong Mayo 5.
Ang nanalo ay walang asawa at mula sa Cebu City. Siya ang nag-iisang tumaya sa winning number combination na 13-20-24-38-39-40.
Nakursunadahan lang niya ang mga numerong tinayaan. Nagkakahalaga ng P120 ang kanyang taya ng manalo at noong 1995 pa siya nagsimulang tumaya sa lotto.
Tutulungan niya ang kanyang mga kapatid upang gumaan ang buhay ng mga ito at magtatabi sa bangko.
MOST READ
LATEST STORIES