Vina kay Cedric Lee: Ang ipinaglalaban ko ngayon ay anak ko!

cedric lee at vina morales

HINDI na namin nakausap si Vina after ng screening ng Born For You dahil nagmamadali na itong umalis kaya itinext na lang namin siya at tinanong kung ano ang kanyang reaksiyon sa plano ni Cedric Lee na kasuhan siya ng 6 counts of libel.

Narito ang sagot ni Vina, “This is not about me and Cedric, this is about my daughter’s welfare. Hindi naman ako lumalaban kung wala akong tamang ipinaglalaban. Galing sa court mismo na wala silang 10-day court approved na until now ay kini-claim nila. Hindi magsisinungaling ang court at si Judge Sulit.

“He (Cedric) was cited in contempt by the court, ang nilalaban ko dito ay para sa anak ko. I’m a single mom and a working mom, sinusuportahan ko 100 percent ang anak ko financially and emotionally, lahat ng ginagawa ko ay para sa anak ko,” pahayag pa ng singer-actress.

Bukas ang pahinang ito sa panig ni Cedric Lee.

Read more...