Enchong Dee game makipaghalikan sa lalaki; Walang malisya kay Bea

enchong dee at bea alonzo

GAME si Enchong Dee na makipaghalikan at makipag-love scene sa kapwa lalaki.

Artista raw siya at passionate siya sa kanyang trabaho. Ten years na siya sa mundo ng showbiz at marami-rami na rin siyang nagawang serye at pelikula. At sa bawat proyekto raw na nagawa niya laging 100 percent ang ibinibigay niya, kung minsan pa nga ay sobra-sobra pa.

Kaya nang matanong sa presscon ng bago niyang pelikulang “I Love You To Death” under Regal Entertainment, kung hanggang saan ba ang kaya niyang gawin bilang artista lalo na pagdating sa pagpapaka-daring, “It’s the same, kapag tinanggap mo yung trabaho na yun. It has to follow. Kung kailangan kong maging mataba rito, magpapataba ako.

“Kung kailangan kong magpa-abs dito, magpapa-abs ako,” ani Enchong. Pero pagdating sa paghuhubo’t hubad, “Pag-iisipan ko pa yan.” Dugtong ng binata, “Hindi naman tayo yung basta, ‘O dito sa proyektong ito, maghuhubad ka.’ ‘Okey, maghuhubad ako, ano ang kuwento?’”

At kung kailangan ng halikan at love scene sa kapwa lalaki, “I don’t mind. I will do it. Sabi ko nga, kung yun ang nakaplano. I will do it kung gusto ko yung proyekto at maganda ang gagawin ko, I will do it.” Pagpapatuloy pa ni Enchong, “Bilang artista, ang trabaho namin ay hindi maging bida, hind imaging paulit-ulit. Ang trabaho namin ay pag-aralan ang trabahong nabigay sa amin. At kapag nagsabi ka ng yes sa proyektong yun, kaakibat nu’n ang maraming bagay.”

Read more...