NAGLITANYA ang dating beauty queen at aktres na si Alma Concepcion laban sa mga taong walang ginawa kundi i-bash siya sa social media at pagsalitaan siya ng masasama.
Tinawag din siyang adik at papansin ng mga basher matapos magtungo sa NBI kamakailan at mag-file ng report tungkol sa mga nasaksihan niya sa kontrobersiyal na Close Up Forever Summer Concert noong May 21 sa Mall of Asia concert grounds kung saan limang katao ang namatay.
Idinaan ni Alma sa kanyang Facebook account ang kanyang saloobin tungkol sa pambabastos at panlalait sa kanya ng mga netizens. Isa sa mg ipinunto ng dating beauty queen ay ang lumalalang ugali ng bagong generation ng kabataan. Ibang-iba na raw talaga ang panahon ngayon.
“Just wondering…kami ang sinugod ng media pero sabi ng ibang tao ‘papansin’ daw ako? Ambush interview nga yung sa NBI Death Investigation Dept. Plus, we were invited BY NBI po. We went there discreetly without knowing na may press dun. Prior to that, the media was looking for me & i didnt grant any interview. I was not answering their invitations & calls.
“We decided to just deal directly to the families involved lang, eventually to NBI lang to give direct coordination. Malay ko ba na may press dun nagulat nga kami at di prepared. Ibang tao nga naman. Tamad mag isip ng konting lalim.
“And some questioned why I was teary eyed. Wow. Unbelievable. I was with the family who died in NBI. They were in the next room. The air was so intense. Subukan nyo kaya pumasok as witness sa DEATH INVESTIGATION DEPT ng NBI. Buti nga hindi ako hinimatay e. MARAMI PO ANG NAMATAY. Parang OZONE tragedy. Di ka maiiyak na may nanigas sa harap mo?
“AND di ko na kailangan ng FAME. Graduate na po ako dyan. Dinaanan ko na po ang lahat ng yan di lang sa Pilipinas no. ( kung KSP ka pa rin sa edad kong ito, naku malaking problema yan sa pag iisip). “SOBRA at BUSOG NA BUSOG na ako sa pagmamahal & attention ng mga nagmamahal sa akin & im content with the love of the people dear to me (kaya nga i have been living as a private citizen since i became a hands-on-mom for 17 years & a full time student for 5 years. totally away from limelight diba).
“My conscience compelled me to give my sworn statement sa NBI. VOLUNTEER work yun. WALA PO AKONG MAPAPALA SA GINAWA KO. It was a SELFLESS act. DI PO PARA SA AKIN YUN. “I went there not as a celebrity but as a human being. To extend help in my smallest way to the families who lost their loved ones. AND MY CONSCIENCE pushed me to go, since we noticed that even after weeks from the event, no one even started to speak up.
“The Fontejon family thanked us for initiating & sharing what we saw & they are hopeful that our move would encourage more witnesses to do the same. “P.S. Bakit nung lumalaki ako bibihira lang ang mga bastos na tao? Pag may bastos pinapagalitan ng mga matatanda. Bakit nung bata ako, mahiyain ang mga taong mambastos. Kahit nung teenager ako maraming NAHIHIYA na gumawa ng maling asal.
“Bakit ngayon parang normal na ang mag isip at magsalita ng masama sa kapwa? Anong nangyayari sa mundo? Eto ba ang naidudulot ng internet generation? Kung ganun aba, mas gagrabe pa pala ito… “BTW i dont get hurt with words.. sanay na po ako jan & at my age, n being a celebrity since i was in my pageant years in my teens, with ALL my past experiences, i can say that time has toughen me. I AM MORE OF CURIOUS ON THIS VERY INTRIGUING GENERATION. I wonder how it would be a decade from now.. hmmmm.
“The arrogance of some people nowadays is so different from before.. people then were more RESPECTFUL. LAOS AKO? At least sumikat? E sila? ADIK AKO? adik na agad? Bka pwedeng nakatikim nung teenager ako. Ang taba ko namang adik. Hirap na hirap nga ako pumayat e. “Kung totoo yan edi di ko natapos mag aral sa UP Diliman at mag take & mag pass ng Interior Design Board Exam di ba? Some people are indeed lazy to think deep… sigh!”