Mapormang hunk actor nakakadiri, balasubas sa katawan

BLIND ITEM MALE 0316

BIDANG-BIDA sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang hunk actor na hindi marunong mag-alaga sa kanyang katawan. Walang alam sa hygiene ang guwapong hunk actor dahil madalas siyang matiyempuhan ng mga kasamahan niyang artista na hindi malinis ang katawan.

Maging ang staff ng produksiyon ay ganu’n din ang madalas sabihin, parang hindi man lang pinahahalagahan ng hunk actor ang kanyang pangangatawan dahil kapos na kapos siya sa pag-aalaga. Kuwento ng isang source, “Hindi naman kasi puwedeng basta maporma lang ang isang tao, kailangang malinis ang katawan niya. Branded nga ang mga suot mo, kundi naman malinis ang katawan mo, e, balewala rin.

“Ganu’n ang hunk actor na ‘yun! Porma kung porma siya, branded ang mga suot niya, pero hindi kalinisan ang katawan niya. Maraming taong nagbe-base ng cleanliness sa mga kuko ng tao.”Laglag na agad du’n ang hunk actor dahil bukod sa mahahaba na ang nails niya, e, sakdal-dumi pa! Maraming dumi, nangingitim ‘yun, kaya nagtataka ang mga nakakakita sa kanya kung may nailcutter ba sila sa house?

“Konting panahon lang naman ang kailangan niyang ibigay sa paggugupit ng mga kuko niya, hindi naman ‘yun katagalan, di ba? Pero kinatatamaran pa niya,” reaksiyon ng source. May napapansin din ang ibang impormante sa hunk actor, hindi siya nawawalan ng sipon, palagi siyang may bisita sa kanyang ilong.

“Nu’ng minsan, e, nakita ko siyang suminga. Napansin ko, ipinunas lang ni ____ (pangalan ng hunk actor) ang kamay niya sa pantalon niya. Nakakaloka! Kahit gaano pa siya kaguwapo, e, hindi ko siya matataypan! Hindi bale na lang!

“Naku, Bradly Guevarra, kinuha pa naman ang apelyido niya sa isang probinsiyang pinamumugaran ng mga dugong-ala eh!” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...