Litrato ni Maja kasama ang utol ni Gerald kalat na

maja salvador at ken anderson

KAHIT pala naghiwalay na sina Maja Salvador at Gerald Anderson, napanatili ng Kapamilya actress ang magandang relasyon nito sa pamilya ng ex-boyfriend.

Kahapon, maraming natuwa nang mag-post ang kapatid ni Gerald na si Ken Anderson sa kanyang Instagram account ng recent photo nila ni Maja na may caption na: “Always nice to see a lovely face! Good seeing you @iammajasalvador. Dance rehearsal for asap tomorrow.”

Medyo intimate pa nga ang kuha ng dalawa dahil nakadikit pa ang ulo ng dalaga sa dibdib ng utol ni Gerald. Sumagot pa si Maja sa IG post ni Ken ng, “Happy to see u brothaa!” In fairness, wala namang masyadong nang-intriga sa litrato nina Maja at Ken. Natuwa pa nga ang kanilang followers dahil nanatili pa rin silang friends kahit na naghiwalay na sina Gerald at Maja.

May iba pa ngang nagkomento na napagkamalan nilang si Gerald si Ken dahil magkahawig ang magkapatid sa nasabing litrato.

Read more...