Isa pang Canadian tinuluyan na ng Abu Sayyaf; P600-M ransom hindi ibinigay

 ZAMBOANGA CITY –  Isa pang Canadian national ang tinuluyan ng bandidong grupong Abu Sayyaf Lunes ng hapon sa Sulu matapos magtapos ang deadline na ibinigay nito para sa P600 milyong ransom na kanilang hinihiling.
Alas-3 ng hapon ang ibinigay na ultimatum ng grupo para ihatid sa kanila ang ransom na kanilang hinihiling.

Ayon kay Abu Raami, ang sinasabing spokesperson ng Abu Sayyaf,  ang nagpahayag na pinatay na nila ang hostage na Canadian na si Robert Hall.

Makikita na lamang anya ang katawan ng biktima sa bayan ng Jolo ngayon ding araw.

Una nang hiningi ng Abu Sayyaf ang P600 milyon ransom kapalit ng kalayaan ni Hall, at mga kasama pa nitong Norwegian na si Kjartan Sekkingstad at Pinay na si Marites Flor.

Read more...