‘Magandang Buhay’ patok na patok sa mga momshie

 

WALANG ending ang good vibes tuwing umaga dahil sa makabuluhan at kwelang chikahan hatid ng momshies na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal sa Kapamilya morning talk show na Magandang Buhay.

Suking-suki na nga sa listahan ng trending topics sa Twitter ang official hashtags ng programa dala na rin ng aktibong pakikilahok ng netizens sa iba’t ibang kwento ng buhay na tinatalakay dito. May mga nagbibigay ng kanilang opinyon sa isyung pinag-uusapan habang may iba naman na nagkokomento tungkol sa celebrity guests.

“Bestfriend ko po si mommy dahil everytime na magba-bonding kami lagi namin pinagti-tripan ang isa’t isa. Love you mommy,” sabi ng netizen na si @mariatricia04. Mayroon ding mga natakam sa nilulutong pagkain habang mayroon din na naaliw sa kulitan ng hosts.

Mayroon din mga kinikilig tulad na lang noong bumisita ang KathNiel, Hashtags, Girl Trends, at maging ang anak ni Maricel Laxa-Pangilinan na si Donny. Maging ang momshie na si Karla ay di nakaligtas dahil sa show rin nabuo ang loveteam niya kay Jose (ama ni Coleen Garcia) na binansagan namang KarJo.

Panoorin ang Magandang Buhay, Lunes hanggang Biyernes, 7:30 a.m. sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable channel 167).

Read more...