Dennis, Jennylyn mahilig sa biglaang date, walang planu-plano

jennylyn mercado at dennis trillo

INAMIN ni Kapuso Drama King Dennis Trillo na ang mga travel nila ng rumored girlfriend na si Jennylyn Mercado ay palaging biglaan. Talagang hindi raw nila pinaplano ang kanilang pagbabakasyon.

Ayon sa Juan Happy Love Story leading man, kapag may mga nakikita raw sila na magandang travel photos ay nagdedesisyon sila na yun ang kanilang next na pupuntahan.

Very spontaneous daw sila pagdating sa mga gagawing bakasyon, “Alam n’yo yun, minsan may pag-uusapan kayo na biglaang plano na makikita mo lang sa pictures. Oh maganda diyan ha. Punta tayo diyan.

“Tapos yun na! Mag-aayos na ng mga gamit then punta na sa destinasyon. Mas maganda pa nga ang biglaang lakad, e,” sey ni Dennis.

Read more...