WAGING Miss Philippines Earth ang aspiring actress na si Imelda Schweighart, 21, na tubong-Puerto Princesa City. Siya ang magiging representative ng Pilipinas sa gaganaping 2016 Miss Earth pageant sa darating na October.
Bukod sa angking ganda at kaseksihan, tumatak din sa audience ang na-ging sagot niya sa question and answer portion na may kuneksyon sa genetically-modified food sa bansa. Tinanong si Imelda sa final round ng Q&A kung ano ang sasabihin niya kay President-elect Rodrigo Duterte para makatulong sa kanyang environment advocacy.
“My advocacy is banning genetically modified organisms (GMO) because I believe in natural food in order to feed our mind, body, and soul. So if we really want to feed our minds and become smarter, let’s support banning GMO,” sagot ni Ms. Schweighart. “At the same time, I would like to encourage him to put bike lanes here in Manila and I would take him to Puerto Princesa to show him how clean our place is,” dagdag pa ng Filipino-German beauty queen.
Ito rin ang naging tanong sa iba pang finalists sa pageant, ang sagot ni Miss Philippines-Air Kiaragiel Gregorio na mula sa London sasabihin niya kay Duterte “to raise climate change awareness” dahil aniya sa matinding epekto nito na tinawag niyang “ecological holocaust.”
Sey naman ni Miss Philippines-Water na si Loren Mar Artajos mula sa Laoag City hihilingin niya sa gobyerno ang mas malawak na proyekto para sa renewable energy. Para naman kay Miss Philippines-Fire Shannon Bridgman ng Pa-ngasinan dapat daw turuan ang mga bata ngayon pa lang tungkol sa “conservation of the environment.”
For her part, Miss Philippines Eco-Tourism Melanie Mader from Vienna, Austria said the government must work to ensure access to potable water. Tatlong Miss Earth crown na ang naiuwi ng Pilipinas sa loob ng 16 taon, kabilang na ang back-to-back win mula kina Angelia Ong (2015) at Jamie Herrell (2014).
Ginanap ang grand coronation ng 2016 Miss Philippines Earth sa University of the Philippines Theater sa Quezon City.