Liza handang gumanap na Mary Jane sa bagong Spider-Man, pero…

 

NILINAW ni Liza Soberano ang balitang personal siyang inimbitahan ng Marvel ma-nagement para mag-audition sa Hollywood films na “Spider-Man: Homecoming.

Kumalat kasi ang chika na nagustuhan siya ng produksiyon ng bagong “Spider-Man” para gumanap na Mary Jane, ang love interest ni Spiderman/Peter Parker.

Sa ulat ng ABS-CBN, si-nabi ni Liza na wala pang formal invitation sa kanya ang Marvel, sa pagkakaalam niya ang fans ang nagpu-push sa kanya na mag-auditin para sa nasabing role. Na-hype lang daw ng todo ang isyu dahil ipina-trend ito ng kanyang mga supporters.

“It’s not really an invitation, I think it was what the fans (ng Marvel) wanted. All my fans started re-tweeting it and everything, but wala naman po talagang invitation,” paglilinaw pa ng dalaga. Pero kung magkakaroon nga siya ng chance na makasama sa nasabing Hollywood project, “I would love that. That would be a nice opportunity.”

Ang “Spider-Man: Homecoming” ay pagbibidahan ni Tom Holland at nakatakdang ipalabas sa July, 2017.

 

Read more...