HUMINGI ng paumahin ang pamunuan ng social networking site na Facebook dahil sa paggamit ng inverted flag para batiin ang Pilipinas sa ika-118 Araw ng Kalayaan.
Ayon sa Facebook, hindi nila sinasadya ang maling greeting o pag-post ng baligtad na bandila.
Sinabi ng Facebook na nais lamang nilang maki-celebrate sa Philippine community na ipinagdiwang kahapon ang Araw ng Kalayaan.
Subalit sa tangka nilang makipag-ugnayan sa mga tao ay nagpadalos-dalos sila sa pagpo-post sa maling posisyon ng bandera.
Kahapon ay ipinagtaka ng mga netizen kung bakit sa baligtad ang watawat ng Pilipinas sa naipost na pagbati ng Facebook.
May mga natawa, ngunit mayroon ding nanawagan sa Facebook na ipaliwanag ang pagkakamali at itama ang pag-post sa bandila ng Pilipinas.
Baliktad na bandera ipinost ng FB
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...