Mark inireklamo ang kakulangan ng wheelchair sa ospital; inupakan ng bashers

 

SA halip na makisimpatya, binatikos pa ng ilang netizens si Mark Bautista matapos mag-post sa Instagram ng kanyang panawagan sa mga government hospital na kulang sa mga wheelchair na ginagamit ng mga pasyente.

Sey ng Kapuso singer-actor, “To East Avenue Medical Center: A Wheelchair can save someone’s life too. Please add more of those in your emergency room. Thank You. – My Dad.” May mga kumampi sa singer pero marami rin ang nam-bash. Sana raw ay idiniretso na lang niya sa ma-nagement ang reklamo niya dahil baka madamay pa raw ang mga doktor at nurse sa ipinost niya.

“Let me just clarify. Since tungkol ito sa family ko. First of all, I was referring to an entity not to a certain individual. I understand that it’s a government hospital that’s why my tweet was just a cry to call their attention that a simple equipment like a wheelchair should be added to their Emergency rooms.

“Not just for my dad but for other people who will also be experiencing a near death situation. But hindi ibig sabihin dahil ‘Government owned’ kulang/inefficient or substandard and intindihin na lang. Kung para sa publiko, ibigay din natin ang para sa publiko.

“But I would like to commend the nurse and the doctor who took care of my dad that moment. Mabuhay kayo. It just saddens me that not all people can understand my point.”

Read more...