Pambu-bully sa iskul tatalakayin sa Poor Señorita

regine velasquez

SA mga tumututok sa GMA Telebabad series na Poor Señorita, narito ang kailangan n’yong abangan tonight.

Bibisitahin ni Rita (Regine Velasquez-Alcasid) si Ligaya (Manilyn Reynes) sa mansi-yon nito. Magpapaalam na ang donya na babalik na siya sa France para asikasuhin ang mga properties niya roon. Pi-nabalik na rin niya si Niña sa Cebu.

Unang araw naman ng mga bata sa school. Nagpakilala sina Apol (Miggs Cauderno) at Rambo (Zymic Jaranilla) sa klase, halatang nahihiya pa ang mga ito. Nang pabalik na sila sa kanilang upuan, hinila ng isang bully nilang kaklase ang chair ni Rambo kaya tumumba ito.

Lumaban siya sa mga bully ngunit siya pa ang itinuro na nagsimula ng gulo dahilan para pagalitan siya ng kanilang guro. Reresbakan sana niya uli ang mga kaklase ngunit inawat na siya ni Apol. Samantala, first therapy session naman ni Girlie (Caprice Cayetano) sa psychiatrist. Sasabihan nito si Rita na sa pamamagitan ng “play the-rapy” maaaring magamot ang problema ni Girlie sa pagsasalita.

Sa Villon Mansion, may TV interview si Rita nang dumating sina Apol at Rambo. Nang kumustahin niya ang mga bagets tungkol sa first day of school, nagsinungaling ang mga ito, hindi nila inamin na may nangyaring hindi maganda.

Sa ikalawang araw ng pasukan, nagtungo sina Apol at Rambo sa playground pero hinarang sila ng mga bully nilang kaklase. Hindi raw sila pwedeng maglaro roon dahil ga-ling sila sa squatter’s area. Sa sobrang galit ni Rambo sinapak nito ang kaklase.

Samantala, posibleng ma-extend pa ang airing ng Poor Señorita dahil sa magandang rating nito. Balitang hangga’t hindi pa handang umere ang Encantadia 2016 sa GMA Telebabad ay tuloy lang Poor Señorita sa timeslot nito.

 

Read more...