SOBRANG thankful si Enchong Dee kay Mother Lily Monteverde dahil sa pagdiriwang niya ng 10th year anniversary sa showbiz ay may 10th movie rin siya kasama si Kiray Celis, “I Love You To Death”.
Ito ang handog ni Enchong sa kanyang fans na hindi siya binitiwan sa loob ng 10 taon. Samantala, sa panayam kay Kiray ay nabanggit niyang nahirapan siya sa kissing scenes nila ni Enchong kaya naman natanong ang aktor tungkol dito, “Paulit-ulit kami, eh. Kasi, nu’ng una hindi niya makuha. Parang naiiyak na siya kasi hindi niya magawa.
“Naiiyak na siya na parang gusto na niyang matapos. Hindi lang siya sanay, eh,” pagtatanggol ng aktor sa kanyang leading lady. Abut-abot na panunukso na nga ang inabot ni Kiray sa buong staff ng “I Love You To Death” dahil hindi nito magawa ng tama ang hinihiling ni direk Miko Livelo pero hindi nagpapahalatang natatawa ang aktor dahil gusto niya maging kampante ang dalaga sa kanya.
“Medyo awkward nu’ng simula, kasi di ba? Kasi magkaiba kami ng generation, magkaiba kami ng height, pero nu’ng medyo nakapa na namin, ‘yung (kissing scenes) mapapanood n’yo, ‘yun na siguro ang pinaka-perfect.
“Knowing Kiray, kumbaga ’yung mga proyektong ginawa niya, hindi naman romantic, so, bilang ako naman ’yung may experience sa ganu’ng proyekto, I need to guide her, so, when the time na nao-awkward na siya, tapos inaasar na siya ng crew, hindi ako nagre-react. I need to show her na nandu’n ako to support her and I’m her leading man that will guide her,” paliwanag pa ng aktor.
At sa tsikang hinipuan siya ni Kiray kaya “ginantihan” niya ito, “Okay lang naman. Matakot ako kung si Kiray na, hindi pa ako hinipuan. In return, pinipisil ko rin ang puwet niya,” natawang sabi ng aktor.
Sa dalawang taong absent si Enchong sa showbiz ay nagawa raw niya ang lahat ng gusto niyang gawin, biniro nga namin siya na hindi niya kayang pagsabayin ang career at lovelife dahil nag-break din sila ng girlfriend niya.
“Hindi naman, ako rin naman ang may gusto kasi tanda mo ‘yung tatlong taong sunud-su-nod na hindi ako nawalan ng show? Parang fee-ling ko, wala na ba akong panahon sa sarili ko? Ito lang ba ang gusto kong gawin? Parang na-ging routine, kaya sabi ko, gusto ko munang magpahinga at gawin ko naman ‘yung gusto ko.
“So sa two years, nagawa ko naman, nag-business ako, ‘yung buil-ding, so okay na. Tapos may dalawang franchise na ako ng Peri Peri Chicken sa UP Town Center at Megamall tapos may iba pa, so i-yon naman ang pinagkaabalahan ko,” pahayag ni Enchong.