Kailan makapag-aasawa?

Sulat mula kay Mercy ng Buenavista, Alangalang, Leyte
Dear Sir Greenfield,
WALA po akong boyfriend sa ngayon pero gusto ko na pong mag-asawa kasi sa edad ko pong 29 years old na sa darating na June 29 ay pinag-aasawa na ako sa amin. Apat kasi kaming magkakapatid na babae at ako ang pangalawa at ako na lang po ang walang asawa sa amin sa ngayon. Sa ngayon po ay may boyfriend ako kaya lang nasa ibang bansa siya kaya madalang lang an gaming communication at parang wala pa naman siyang balak mag-asawa. Itatanong ko lang po kung kalian kaya ako makapag-aasawa at sino kaya ang lalaking mapapangasawa ko, kakilala ko na ba siya sa kasalukuyan o hindi pa? At minsan po hindi maiwasang sumasagi sa isipan ko nab aka ako ay tumandang dalaga na lang habang buhay, ano po ba sa palagay nyo?
Umaasa,
Mercy ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kahit na 29 years old ka na sa ngayon hindi ka dapat mag-alala o kabahan nab aka ka tumandang dalaga, dahil ang kaisa-isa at magandang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad ang nagsasabing sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, sa taon ding ito ng 2016 hanggang 2017 sa edad mong 29 pataas, magkakaroon ka ng bago at mas caring at mas malambing na boyfriend na magkakaroon ng sapat na oras at panahon sa iyo at sa inyong relayson.
Cartomancy:
Two of Hearts, Jack of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing walang duda sa panahong ito ng tag-ulan sa edad mong 29 pataas, isang lalaking mas bata sa iyo ang edad ang magiging seryoso at bago mong boyfriend na sa kasalukuyan ay kakilala mo na.

Itutuloy…

Read more...