Heart maglalabas ng clothing line na puro ‘black and white’

 

MALAPIT nang ilunsad ng Kapuso actress na si Heart Evangelista-Escudero ang kanyang clothing line.
Ayon sa misis ni Sen. Chiz Escudero, magiging very practical at affordable daw ang kanilang ilulunsad na collection this season.

“I’m designing clothes, all whites and all blacks. So para siyang 30 looks for the whole month. Kung bibilhin mo yung buong collection na yun, makaka-come up ka ng 30 looks sa isang buwan na basic outfits lang.

“Kasi nowadays you have to be stylish and practical at the same time, so kukuha ka ng printed na damit sinuot mo ng isang beses, maaalala mo na yun lagi. But if you have wide variety of all whites and blacks, they’ll never know what you repeated so that’s why we’re coming out with a clothing line para sa lahat,” kuwento ng Juan Happy Love Story lead star.

Sey pa ni Heart, posibleng isuot din daw niya ang ilan sa mga damit na gagawin niya sa serye nila ni Dennis Trillo para magkaroon ng idea ang mga viewers about their new clothing line.
Samantala, patuloy na tumataas ang rating ng Juan Happy Love Story sa GMA Telebabad block. Ayon kina Heart at Dennis, malaking tulong sa kanilang serye ang walang tigil na pagpo-post ng mga netizen na magagandang comments about their show.

Lagi ring trending ang kanilang mga episode sa social media, lalo na ang mga nakakabaliw at nakakaaliw na eksena nina Happy at Juan ngayong mag-asawa na sila. Tutukan ang mga susunod pang mga nakakatawa at nakaka-in love na mga eksena sa Juan Happy Love Story sa GMA Telebabad lang.

 

Read more...