Aiza inutusan ni Duterte na tumulong sa pagsusulong ng arts & culture sa Pinas

aiza seguerra at rody duterte

HININGI ni President-elect Rodrigo Duterte ang tulong ng mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño para mas mapalawig pa ang mundo ng arts and culture sa bansa.

Ayon kay Aiza, nagpapasalamat sila kay Digong dahil hindi nito kinalimutan ang industriyang kinalakihan niya at bumuhay sa kanyang pamilya mula pa noong bata siya. “He’s asking us for help. So magpupulong na kami ng mga artist friends, so that once we meet up with him, meron na kaming nakahandang mga pwedeng gawin,” ani Aiza sa panayam ng ABS-CBN.

Chika naman ni Liza Diño, “Nakakatuwa kasi siya mismo yung nagsalita talaga, nagsabi sa amin na parang, ‘Let’s work on arts and culture. Mga Pilipino tayo. You know how much I love this country.'” Alam naman ng madlang pipol na dalawa lang sina Aiza at Liza sa mga kilalang celebrities na todo ang suporta kay Duterte simula pa noong panahon ng kampanya.

Read more...