Young actress walang respeto sa mga veteran stars

BLIND ITEM WOMAN 0219

PALAGING nagtatanungan ang mga kasamahan ng isang young actress kung saan siya humuhugot ng kamalditahan. Hindi siya maituturing na malaking-malaking artista, sinuwerte lang siyang makilala, pero kung makaasta ang babaeng ito ay parang pag-aari na niya ang mundo ng mga artista.

Kilalang-kilala siya sa pangalang Simang dahil mas madalas siyang nakasimangot kesa sa nakangiti. Mahal ang kanyang tawa, pero dalawa-singko ang kanyang kasupladahan, kung bakit siya ganu’n ay tanging siya lang ang nakakaalam.

Produkto siya ng isang talent search, pinalad na manalo sa labanan, mula nu’n ay akala mo na siya kung sino. Kahit sa mga beteranang artista ay wala siyang respeto. Mas nagmaldita pa ang young actress nang maging close siya sa isang pamosong female personality na tulad din niyang maldita. Taklesa na ay maldita pa.

Kuwento ng aming source, “Halos walang kumakausap kay ____ (pangalan ng supladitang young actress) sa set. Ilag sa kanya ang marami dahil nga sa kamalditahan niya. “Ginagawa niya ang style ng isang sikat na aktres na mataray, pero hindi naman bagay sa kanya, hilaw na hilaw pa siya para magpakita ng ganu’ng ugali.

“Wala pa siyang napatutunayan, ‘no! Hindi puwede ang mga seryeng pinagbidahan niya nu’n! Kulang na kulang na proof ‘yun dahil mabilis din namang tsinugi ng network dahil hindi naman nagre-rate!” nakasimangot na kuwento ng aming impormante.

Bradly Guevarra, siya ang reyna ng kamalditahan, siya rin ang original Simang, very, very rich talaga sa kasupladahan ang babaeng ito, very rich!

Read more...