Jolo, Jodi pinatunayang di naghiwalay, nag-date kasama ang mga anak

jodi sta maria at jolo revilla

PINATUNAYAN nina Jodi Sta. Maria at Cavite Vice-Governor Jolo Revilla na going strong pa rin ang kanilang relasyon.Maraming nakakita sa magdyowa na magkasama sa opening ng isang cat café sa Las Piñas City early this week. Kitang-kita raw ang kaligayahan sa mukha ng dalawa habang nasa event.

Ibig sabihin walang katotohanan ang naglabasang balita kamakailan na naghiwalay na ang dalawa dahil nawalan na sila ng oras para sa isa’t isa.

Kahapon, kumalat din ang souvenir photo nina Jodi at Jolo na kuha sa opening ng nasabing cat café at ipinost sa kanilang official Instagram account.

Nabatid na kasama rin ni Jolo sa nasabing event ang anak na si Gabriel habang nagsilbi namang “bodyguard” ni Jodi ang anak na si Thirdy.

Read more...