NAGULAT ako sa dami ng natanggap kong calls and text messages regarding the pang-iinsulto raw nitong si Pangulong Noynoy Aquino sa pamilya-Revilla nang mag-speech ito sa Imus, Cavite last Feb. 7.
Nandoon daw si P-Noy para ikampanya ang mga manok niya para sa nalalapit na eleksiyon.
“Okay lang naman sa amin ang pumunta siya at iendorso ang mga kapartido niya pero huwag naman sana siyang lumagpas sa guhit ng pagiging propesyonal.
Pinuno siya ng bansang ito kaya dapat siya ang manguna sa pag-spread ng peace and unity at mag-ingat naman siya sa mga binibitiwan niyang salita. “Magpakatao naman siya. Huwag naman niyang insultuhin ang mga Revilla na napakalaki ng nagawa para sa buong Cavite,” anang isang nagmamalasakit na kaibigan nating nakarinig ng mga pasaring diumano ni P-Noy.
Ano ba ang sinabi niya? I got a part of the transcription ng kanyang speech that goes this way…nakuha ko ito sa column ni Nay Cristy Fermin yesterday…
“Paalala lang po. Asahan na po ninyong may mga magpapanggap at may mga makikisakay sa ating krusada.
May mga makikisuot ng kulay dilaw pero hindi tiyak kung anong kulay ang nasa saloobin. Huwag po tayong umasa sa tsamba o agimat o anting-anting.
“Matuto po tayong kumilatis ng mga susunod na lider ng bansa upang matiyak na aarangkada tayo sa katuparan ng ating mga pangarap at hindi na lumihis pa.
Magtiwala po tayo sa tapat na paglilingkod at serbisyong nag-aalab, may prinsipyo at siyempre may liksi,” ayon pa raw kay P-Noy.
Tilad-tilarin natin ang kanyang tinuran. Sa Imus, Cavite niya ito sinahi at kapag Imus, Cavite unang papasok sa isipan mo si dating Senador Ramon Revilla, Sr. at buong angkan nitong kinabibilangan nina Sen. Bong Revilla, vice-gobernatorial candidate na si Jolo Revilla, Rep. Lani Mercado-Revilla, Mayor Strike Revilla and so on and so forth.
And when you speak of the Revillas or Bautistas, tatak na nila ang mga salitang agimat at anting-anting.
P-Noy is endorsing the kalaban of the Revillas kaya marapat lamang sanang magpakadisente siya sa choice of words niya.
Not because he is the president of this country ay lisensiyado na siyang mambastos ng kahit sino.
Siya ang ama ng bansa natin kaya dapat siyang mag-act like a real father para sa ating lahat.
Hindi dapat ang pagiging childlike – anong ibig sabihin niyang, “huwag po tayong umasa sa tsamba o agimat o anting-anting”?
Obviously, pinatatamaan niya ang mga Revilla, nasaan na ang respeto niya sa matandang Revilla na si daddy Ramon?
Nakuha niyang bastusin ito sa sarili nitong bakuran? Bakuran ni Mang Ramon ang Cavite.
Hindi ba na-realize ni P-Noy iyan? Pangulo ka ng Pilipinas pero nagagawa mo iyan sa iyong talumpati?
That’s disgusting indeed! How can we expect us na respetuhin ka?
Do you have anything personal against the Revillas kaya ka nakapagsalita ng ganyan?
As a citizen of this country, I find his speech very distatesful, naghahamon ng away.
Naghahamon ng samaan ng loob.
Hindi friendly. Putting you on top of the other.
Nahe-hurt lang ako dahil parang tatayo ko na si Daddy Ramon at kapag iniinsulto mo ang isang tatay, nagri-react siyempre ang anak.
Kaya ako nagri-react dahil nga sa mahal ko ang pamilya ni Daddy Ramon.
Pero kahit halimbawa ma’y hindi ako close sa kanila, bilang isang Kabitenyo halimbawa, magagalit ako kay P-Noy.
Mali iyon. Huwag kang mang-insulto.
Puwede mo namang i-endorse o i-promote ang manok mo without stepping on someone, without bashing anyone.
Unang-una, no one is perfect on earth kaya wala ni isang may karapatang maglinis-linisan.
Kahit si P-Noy, alam niya sa sarili niyang marami rin siyang pagkukulang sa bansang ito – sa sarili niya.
Ang verdict? Dapat ay mag-public apology ang Pangulo ng bansang ito sa mga Revilla dahil sa maling pagpitik niya.
Pag sinabing Revilla, automatic na kaalinsunod nito ang pngalang ng lalawigan ng Cavite.
Kahit nandiyan pa ang mga Malicsi (liksi) o Remullas o kung sinuman, still very much identified din ang Cavite with Revillas.
Kung hindi man niya sinasadyang nabanggit ang mga salitang agimat o anting-anting, well, wala nang magiging tama sa mundong ito.
Ha-hahaha! Lahat na nga lang ay idadaan na lang natin sa tsamba, di ba P-Noy. Sayang.
Idol ka pa naman sana ng masang Pilipino.
Ay sori, ang Masang Pilipino pala ay kay Erap. Kita n’yo na, kahit tayo ay nagkakamali rin.
Sorry. Tao lang. Kaya dapat ay mag-sorry din si P-Noy, di ba?
Kami nga ay marunong ding mag-sorry.
What makes him an exemption?