ANGEL tumangging magpakasal kay PHIL ngayong 2013 dahil malas daw

angel locsinHINDI naniniwala si Angel Locsin sa mga hula-hula o sa tinatawag na numerology!

Ayon sa Kapamilya actress, ang tao ang gumagawa ng kanyang suwerte at kailangan ang matinding pananampalataya para magtagumpay sa buhay.

Dinenay ni Angel ang dahilang hindi maswerte para sa pag-iisang dibdib ang taong ito kaya hindi pa sila nagpaplano ng kasal ng kanyang boyfriend na si Phil Younghusband.

“Hindi ‘yun dahil sa malas o hindi.

Wala pa talaga kaming wedding plans kasi pareho kaming naka-focus sa trabaho.

Marami akong gustong gawin ngayong taon at ganoon din naman siya.

Hindi naman kami nagmamadali,” ayon sa aktres.

Natanong kasi si Angel kung naniniwala ba siya sa numerology tulad nga ng karakter niya sa sitcom ng ABS na Toda Max na si Isabel, sinabi niyang hindi naman daw masusukat ang compatibility sa pangalan.

“Basta ang alam ko lang, nag-click kami ni Phil na walang numerology,” sey ng aktres.

Read more...