Bianca Manalo, 2 kapatid sasali sa Guinness

bianca manalo

IBINALITA ng Kapamilya actress na si Bianca Manalo na planong sumali ng kanyang kapatid na si Kate Manalo sa Guinness Book of World Records.

Gustong ma-recognize ng kanyang ate ang pagiging national beauty queen titleholders nilang magkakapatid.

“Kasi ni-research niya daw ‘yan sa internet. Meron daw magkakapatid na Miss Carolina lang, hindi Miss USA. Kasi kami, Miss Philippines kaming tatlo eh. Hindi lang Miss Makati or Miss Pampanga, Miss Philippines so mag-a-apply daw kami,” ang chika ni Bianca sa panayam ng ABS-CBN.

Binibining Pilipinas Universe (2009) si Bianca, habang Binibining Pilipinas-World (2002) naman ang kanyang ate Kate na nakasali pa sa Top 10 semi-finalist sa 2002 Miss World at ang youngest sister naman nilang si Nichole Manalo ay nanalong Binibining Pilipinas Globe ngayong taon.

Read more...