Bong gagawa agad ng pelikula kasama ang bunsong anak kapag nakalaya na

bong revilla

OPISYAL nang natapos ang term ni Sen. Bong Revilla sa Senado last Monday. Kabilang ang actor-politician sa walong senador na natapos na ang tatlong termino at kailangan nang magpaalam.

For sure, sad si Sen. Bong dahil hanggang sa huling hiling niya bilang mambabatas ng bansa ay hindi siya napagbigyan na pansamantalang makalaya mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame para pormal na makapagpaalam sa mga kasamang Senador, staff at higit sa lahat, sa bayan.

Ilang mahahalagang okasyon sa buhay ni Sen. Bong ang ilang ulit na niyang naranasang i-celebrate sa loob ng PNPCC. Kabilang na ang ika-30th wedding anniversary nila ng misis niya at bagong Mayor ng Bacoor City sa Cavite na si Lani Mercado.

Days before their wedding anniversary we got the chance to see the senator inside the PNPCC. As usual, still looking good si Sen. Bong dahil hindi niya pinababayaan ang sarili na magmukhang “losyang” (pangit, mataba, haggard, problemado) kahit nasa loob lang ng PNPCC.

Sakto naman that time ay nandoon din at binisita si Sen. Bong ng kanyang ever-beautiful and young-looking eldest daughter na si Inah Bautista-del Rosario kasama ang kanyang dalawang super cute at mga Ingleserong kids.  Naka-base na sa Davao si Inah at ang kanyang mister na si Vince del Rosario na nagma-manage ng malaking appliance store sa bayan ng bagong Presidente ng Pilipinas na si Rody Duterte.

Nagbakasyon daw ng ilang linggo sa Manila si Innah kasama ang kanyang mga anak habang naiwan naman sa Davao si Vince. Kaya sinamantala ni Inah na dalawin ang ama at batiin sa wedding anniversary ng Mommy Lani niya. At the same time, advance happy father’s day bonding na rin ni Innah with Sen. Bong.

Kasalukuyang nag-aaral ng Law sa Ateneo de Davao si Inah and she is on her second year. Desidido si Innah na tapusin ang kanyang pag-aaral at maging abogado. Ilang taon after she graduated from college, na-bore si Innah na walang ginagawa kaya bumalik siya sa pag-aaral.

Pursigido raw siya na tapusin ang Law course niya at malay natin someday she will be the next Supreme Court justice. Napapangiti naman ng sobra si Sen. Bong tungkol dito at super sa kanyang anak.

Actually, hindi lang kay Innah proud si Sen. Bong and Mayor Lani among their children. Bukod sa kanilang future lawyer, meron pastor (Bryan Revilla, he also finished a diplomatic course in a famous university), Vice-Governor (Jolo Revilla) at future doctor na mga anak.

Medyo nalito lang kami if it is Loudette or Gianna ang nagti-take ng Biology course sa Ateneo de Manila University sa Q.C. at gustong i-pursue ang course sa pre-med. Pero sure kaming merong isa sa kanila ang nag-araal ngayon sa Ateneo.

Habang ang bunso naman na si Ram “Ramboy” Revilla ay naka-graduate na sa high school at papasok sa De La Salle Unniversity sa Taft, Manila. Pumasa si Ramboy sa kursong BS Math sa La Salle Taft. Pero mukhang mag-iiba raw ng kurso pagpasok ang bunso nina Sen. Bong at Mayor Lani. Dahil d’ian wala ng high school students ang mag-asawa.

Type naman ni Sen. Bong na mag-showbiz ang bunso sa pamilya na si Ramboy. In fact, ang senador pa ang nag-suggest na Ramboy din ang dapat gamiting screen name ni bagets. Kay gwapo raw ni Ramboy at mas gumanda ang katawan nito ngayon.

Soon, hindi na kami magtataka if one of this day ay trending na rin si Ramboy sa social media, huh!
Malay natin within this year ay makalabas na ng PNPCC si Sen. Bong and then gagawa agad siya ng movie with his son Ramboy. Feel na feel namin kung gaano na ka-miss ni Sen. Bong ang paggawa ng pelikula. At sigurado rin kami na miss na miss na ng kanyang mga tagasuporta si Sen. Bong at gusto na nila ito uling mapanood na umaarte.

Read more...