MRT huminto, mga pasahero naglakad sa riles

MRT

MRT

Muling nasira ang tren ng Metro Rail Transit Line 3 kahapon at napilitang maglakad sa riles ang mga pasahero pabalik sa Ortigas Avenue station.

     Huminto ang tren ng MRT na patungong Taft Avenue station ilang metro paglabas nito sa Ortigas Avenue station.
     Binuksan ang pintuan ng tren upang makababa ang mga pasahero na naglakad pabalik.
     Mayroon umanong narinig na pagsabog sa ilalim ng bagon ang mga pasahero na sinundan ng paghinto ng tren.
      Bumalik naman ang operasyon ng MRT makalipas ang isang oras.
      Mayroong mga bagong tren ang MRT subalit kapag weekend pa lamang ito nakakabiyahe dahil anim na driver lamang ang kuwalipikadong magmaneho nito.
     Sa 48 bagon na binili ng MRT3 , walo pa lamang ang nasa bansa. Matatapos ang delivery nito sa Enero 2017.

Read more...